Showing posts with label Heart Evangelista. Show all posts
Showing posts with label Heart Evangelista. Show all posts

Friday, June 24, 2011

The alleged feud between “Temptation Island” stars Marian Rivera and Heart Evangelista may have reached its climax


The long-running story on the alleged feud between “Temptation Island” stars Marian Rivera and Heart Evangelista may have reached its climax.

Two Sundays ago, reports surfaced that there was a confrontation between Marian and Heart during the “Temptation Island” taping in Paoay, Ilocos Norte. During the “Showbiz Central” episode that day, John Lapus, also part of the movie, denied the feud.

However, after the first report, an update circulated that there was confrontation between Marian and Heart's mother, Cecile Ongpauco at the local airport, the latter allegedly bringing bodyguards with her last June 13.

Admission

During the “Temptation Island” press conference earlier today, June 23, at the Imperial Palace Hotel in Quezon City, Marian admitted that there is truth to previous reports about the confrontation.

The Filipino-Spanish actress explained that she thought all was well before they returned to Manila from their shooting for “Temptation Island” in Ilocos Norte. All that changed when they got to the airport in Manila.

“Ang pagkakaalam ko kasi—at hindi lang din naman ako, lahat ng cast, cast and crew, pati ng direktor—maayos ang lahat. Okay kaming lahat. Sobrang nag-usap kami, naging okay kaming lahat. Sorry i-dro-drop ko yung name ni Lovi, pero andun sya, nag-usap kami, wala naman kaming pinagawayan. Wala talaga. At hindi kami nagaway,” she said.

Marian added, “Yun na nga lang, pagdating sa airport, nagulat ako.”

However, she refused to elaborate on what happened at the airport.

The actress also didn't explain what may have caused the confrontation in Manila after the “Temptation Island” shooting, although she said that what happened in Ilocos Norte between her and Heart is merely a misunderstanding between friends.

Shocked

“ Pero sa nangyari dun sa airport, parang di yata nya ako magkaibigan. Parang nagulat lang ako na bakit nagkaroon ng ganun e pag-alis namin galing Laoag, maayos kaming lahat, masasaya kaming lahat, so medyo nagulat din ako na pagdating sa airport may ganung nangyari na kahit ako na-shock ako na buti andun si Lovi para i-comfort nya ako,” she added.

Marian further explained: “Ito talaga yung punto dun: wala talagang nangyari (sa Ilocos Norte) at hindi ko alam kung bakit parang may lumabas na may nangyari. Ang saya saya naming nagsho-shooting dun, nagbo-bonding kami, mas lalo kong nakilala si Sweet (John Lapus), si Solenn bakla din pala. Alam mo yung ganun na ang saya saya namin na bigla na lang nagkaroon ng ganung isyu na pagdating ito sa Manila nangyari nga yung di ko inaasahan, at di lang ako, lahat kami na-shock talaga.”

The 26-year-old actress said she'd rather let the cast and crew of “Temptation Island” explain what really happened.

Emotional

Although she was clearly emotional during the press conference, Marian still managed to joke about the reported bodyguards involved in the airport incident.

“Bodyguards? Next time, kung 15 ang dala nila, ako mga siguro 100 bakla ang dadalhin ko,” she quipped.

Last March, when the cast of the “Temptation Island” remake was announced, it was reported that Heart switched roles with Marian. It was also reported that Marian had a hand in convincing Heart in accepting the role. Does she regret that now after their friendship turned sour?

“Sa inyo na nanggaling yan. Ako ang nagkumbinsi sa kanya na gawin nya ito at inaalalayan ko sya at hangga't kaya ko sya ipagtanggol pag nagsusumbong sya sa akin, ginagawa ko yun. At walang nangyaring ayaw o kung anumang sinasabi na nangyari sa amin dun sa Ilocos na yan so dun pa lang mapapatunayan na kung ano nangyari dito at ano ang punto nito,” she said.

Marian added, “So pinagsisisihan na ano? Nakakapang-ano lang kasi akala ko kaibigan ko sya at walang nangyari sa amin. Yun pala hindi. So yun lang. Hindi ko kawalan.”

Wednesday, December 22, 2010

Heart Evangelista apologized to Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas


MANILA, Philippines – Young actress Heart Evangelista apologized to Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas on Tuesday for missing the last installment of the “Tanging Ina” series.

During Tuesday episode of “Showtime,” where Delas Alas is a guest judge, resident judge Vice Ganda read a text message from Evangelista.

In the message, Evangelista thanked the cast and crew of “Tanging Ina” for giving her the chance to be part of the comedy movie. She was also remorseful because she had to turn down an offer to appear in the last installment due to her numerous commitments

“My dear ‘Tanging Ina’ family and Tita Ai Ai, thank you for the chance to be with old co-workers and friends and also to be part of the movie with that special role. I am deeply sorry for the outcome and I just wanted to let you all know that I was really looking forward to be part of it even for a day. God bless and I miss you all, from Heart,” the message read.

A teary eyed delas Alas warmheartedly accepted Evangelista’s apology, saying she still loves the young actress no matter what.

“Dahil nagso-sorry ka naman in spirit of Christmas, Heart, we miss you anak. And sana kasama ka namin sa last ng ‘Tanging Ina.’ Pero ganoon talaga. Anyway, Merry Christmas, Heart, and God bless... Heart anak, I love you,” she said.

When asked by ABS-CBN News why she got emotional over the actress’s message, Delas Alas said: “Naluha ako kanina...nasasayangan kasi ako sa pagkakataon na mapasali ka (Heart) ulit sa pelikula. Pero anak huwag mong iisiping galit ako sa’yo. May konting tampo, pero apology accepted.”

It would be recalled that Delas got disappointed over Evangelista's decision to pull out of the last installment of "Tanging Ina."

Among the movie's original cast members, only Evangelista failed to reprise her role as delas Alas’s fourth child.

Evangelista and actor Marvin Agustin are now talents of GMA 7. But Agustin was permitted to be part of the Star Cinema-produced movie.

Directed by Wenn V. Deramas, "Tanging Ina Mo, Last Na 'To" also stars Nikki Valdez, Carlo Aquino, Alwyn Uytingco, Marc Acueza, Shaina Magdayao, Serena Dalrymple, Jiro Manio, Yuuki Kadooka, Xyriel Manabat and Eugene Domingo. -Report from Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Friday, October 22, 2010

Anabelle Rama messages to Heart: walanghiyang talent, ingrata, walang utang na loob, malalaos din 'yan!

Isang presscon para sa mga talent ng Royale Artists Management Inc. ang ipinatawag ni Annabelle Rama sa isang Chinese restaurant sa Quezon City kaninang tanghali, October 21. Ang Royale Artists Management Inc. ang dating Royale Era Entertainment, Inc.

Ipinakilala ni Annabelle sa presscon ang kanyang mga bagong talent na sina Paolo Paraiso at Jon Hall. Ibinalita rin ni Annabelle ang mga magaganap sa kanyang birthday celebration sa October 28 sa Crowne Plaza Hotel.

Isang show na magpapakita sa mga talent ng kanyang mga alaga ang mapapanood. Kasabay nito ang launching ng Spotlight, ang magazine na magtatampok sa 29 talents ng Royale Artists Management, Inc.

PRAISING JC. Ang pangalan ni JC de Vera ang mabilis na isinagot ni Annabelle nang tanungin ito kung sino sa mga talent ng Royale Artists Management Inc.—maliban sa mga kanyang mga anak na sina Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez—ang kanyang paborito.

"Hindi matigas ang ulo ni JC. Very professional siya," sabi ng talent manager.

"Natutuwa ako kay JC dahil siya, masipag magtrabaho at nakikinig siya sa kanyang manager kaya naging asenso ang buhay ni JC ngayon. Nagpapagawa na siya ng bahay, tapos may kotse na siya.

"Matutuwa ka kay JC dahil nang makuha ko siya, walang-wala siya. Bibili siya ng lumang kotse, sabi ko mag-brand new siya. 'Iutang mo na lang kasi kung lumang kotse, mahihinto ka sa kalye.'

"Sabi ko, 'JC, magtiis ka muna sa five thousand pesos [talent fee] per taping.' Every taping ni JC, P10,000, aabot 'yan sa P100,000. Ang suweldo niya ngayon, aabot ng P500,000 a month, more pa.

"Nakakatuwa kasi nagtiyaga si JC sa akin. Hindi siya na-discourage. Hindi siya nagmamadali na kumita. Talagang naghintay lang siya. Ngayon, binigyan siya ng project ng Diyos, umasenso siya."

Regular na napapanood si JC sa mga sumusunod na programa ng TV5: P.O.5, Lokomoko High, at ang upcoming kiligserye na My Driver Sweet Lover.

Sabi pa ni Annabelle, "Natutuwa ako sa lahat ng mga talents ko, masisipag. Nakikinig sila sa manager nila. Naniniwala sila sa aking kakayahan. Lahat ng talents ko, kapag umasenso ang buhay nila, natutuwa ako."

HURT BY HEART. Pero ikinabigla ng entertainment press na dumalo sa presscon ang mga sumunod na pahayag ni Annabelle. Hindi nila inaasahan ang kanyang mga rebelasyon laban sa alaga niyang si Heart Evangelista.

"Pinakamalaking kontrata, nakuha ko sa GMA-7. Pinakamalaking trabaho na nakuha ko sa kanya, hindi pa sila ma-satisfy. Naloloka ang byuti ko!

"Nakuha ko yung contract, kinuha sa akin ng mommy niya ang kontrata niya, for another three years. Napakalaki ng kontrata.

"Naduling yata ang nanay sa pagbasa. The next day, sinabi niya na 'ayaw ko nang mag-renew, hanggang two years lang tayo,' samantalang mag-two years pa lang kami."

Ang tinutukoy ni Annabelle ay ang ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.

Patuloy ng talent manager, "Nakita nila yung kontrata sa GMA, malaki ang figures. The next day, 'Pwede ba, puwede ba ako na lang ang mag-manage sa anak ko? Kasi kailangan ko ring tulungan ang sarili namin. Sayang naman yung 30 percent [commission] na makukuha ko.'

"Okey lang sa akin. So, meron pa siyang one year sa akin," pagtukoy naman ni Annabelle sa nalalabi pang kontrata ni Heart.

Dagdag niya, "Sa tagal ko na sa industriya, sa tagal ko nang manager, yung mga walanghiyang talent, ingrata, walang utang na loob, malalaos din 'yan!

"Hindi ako papayag. 'Yang mga walang utang na loob, mga ingrata, hindi sisikat 'yan. Kakarmahin 'yan sa akin!

"Yung kontrata na nakuha ko sa GMA, mula nang mag-umpisa siya sa GMA, hindi niya natikman sa kabilang istasyon, even one-fourth ng kontrata na nakuha ko sa GMA."

Mula sa ABS-CBN, lumipat si Heart sa bakuran ng GMA-7 noong April 23, 2008. Kasama niyang pumirma ng kontrata sa Kapuso network noon ang kanyang ina at si Annabelle, na tumatayong co-managers niya.

Pumirma ulit ng two-year exclusive contract si Heart sa GMA-7 noong July 15, 2010. Kasamang muli ni Heart sa pagpirma ang kanyang ina at si Annabelle.

Sabi pa ni Annabelle, "Ngayon lang siya sa buhay niya nakatikim ng ganoong klaseng suweldo, galing sa akin. Pero yumabang naman sila kaya gusto ng nanay na siya ang mag-manage. Good luck! Yun lang, good luck, girls.

"Nasaktan ako dahil ako talaga ang nag-buildup sa kanya. After three years niya na nalaos, ako ang nag-buildup sa kanya.

"Ako, sinasabi ko, wala pa akong isinusumpang talent na sumisikat kapag nagwalanghiya sa akin! Kasi masama ang loob ko talaga..."

Sinabi rin ni Annabelle na kasali dapat si Heart sa fashion show sa pagrampa sa show ng Royale Artists, pero ayaw raw nito. Kaya binura na raw ang pangalan ng young actress sa listahan ng mga rarampa sa fashion show.

Ayon pa kay Annabelle tungkol kay Heart, "Kapag may kasama siyang pangit, nandidiri siya. Hindi naman puwedeng ganoon. Hindi naman siya superstar.

"Naging star lang siya dahil sa akin kasi matagal na siyang nalaos! Wala siyang project, sa akin lang siya nabuhay. Binuhay ko lang ang kanyang patay na career.

"Yun ang motto ko sa buhay ko, yung mga patay na career, binubuhay ko. Yung mga nalalaos, pinapasikat ko. Yon ang motto ko sa buhay ko.

"Pinu-prove ko 'yon how many times na. Maski mga anak ko, sinasabihan ko ng ganoon."

HEART'S REACTION. Ito naman ang reaksiyon na ibinigay ni Heart sa blogsite na darlasauler.com:

"Contracts are made to end. I guess by not renewing the other party isn't happy. I've always been handled by my family. I don't think there's anything wrong with that. I'll always be grateful to the people that helped me along the way. Positive vibes. God bless!"