Manila (Philippine Daily Inquirer/ANN) - Filipino talent manager Annabelle Rama-Gutierrez is facing child abuse raps for allegedly making two of her minor talents work more than 40 hours a week, sometimes interfering with their school schedule.
The four-page complaint was filed on Friday before the Quezon City prosecutors' office by Nadine Montenegro Pla, better known in show biz as Nadia Montenegro, on behalf of her two daughters aged 15 and 17.
The mother described Rama as a family friend and manager who signed a five-year contract for Pla's two children to appear on TV.
Republic Act No. 7610 or the Anti-Child Abuse Act prescribes that a child cannot work for more than 40 hours a week, while a memorandum of the Department of Labor and Employment prescribes that an employer cannot make a child work during school hours.
Pla also lodged a complaint for oral defamation against Rama for allegedly circulating rumors about her two daughters - one had supposedly contracted a sexually transmitted disease, while the other had allegedly been raped.
"As manager, Rama failed to protect the interests of my children by making them work even during school hours to the detriment of their grades and giving them the impression that the same was required by the network and that they either 'take it or leave it,'" the affidavit read.
Pla also alleged that the talent manager made her two daughters wear "mature and sexually suggestive clothes" and attend social events that exposed her kids "to circumstances that were prejudicial to their morals."
In a separate affidavit, the two daughters recalled times when they were made to shoot from 6 a.m. to 4 a.m. the following day for a TV5 show.
The "verbal and emotional" abuse soon reached a point in which Pla decided to end her daughters' contract with Rama.
Isang presscon para sa mga talent ng Royale Artists Management Inc. ang ipinatawag ni Annabelle Rama sa isang Chinese restaurant sa Quezon City kaninang tanghali, October 21. Ang Royale Artists Management Inc. ang dating Royale Era Entertainment, Inc.
Ipinakilala ni Annabelle sa presscon ang kanyang mga bagong talent na sina Paolo Paraiso at Jon Hall. Ibinalita rin ni Annabelle ang mga magaganap sa kanyang birthday celebration sa October 28 sa Crowne Plaza Hotel.
Isang show na magpapakita sa mga talent ng kanyang mga alaga ang mapapanood. Kasabay nito ang launching ng Spotlight, ang magazine na magtatampok sa 29 talents ng Royale Artists Management, Inc.
PRAISING JC. Ang pangalan ni JC de Vera ang mabilis na isinagot ni Annabelle nang tanungin ito kung sino sa mga talent ng Royale Artists Management Inc.—maliban sa mga kanyang mga anak na sina Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez—ang kanyang paborito.
"Hindi matigas ang ulo ni JC. Very professional siya," sabi ng talent manager.
"Natutuwa ako kay JC dahil siya, masipag magtrabaho at nakikinig siya sa kanyang manager kaya naging asenso ang buhay ni JC ngayon. Nagpapagawa na siya ng bahay, tapos may kotse na siya.
"Matutuwa ka kay JC dahil nang makuha ko siya, walang-wala siya. Bibili siya ng lumang kotse, sabi ko mag-brand new siya. 'Iutang mo na lang kasi kung lumang kotse, mahihinto ka sa kalye.'
"Sabi ko, 'JC, magtiis ka muna sa five thousand pesos [talent fee] per taping.' Every taping ni JC, P10,000, aabot 'yan sa P100,000. Ang suweldo niya ngayon, aabot ng P500,000 a month, more pa.
"Nakakatuwa kasi nagtiyaga si JC sa akin. Hindi siya na-discourage. Hindi siya nagmamadali na kumita. Talagang naghintay lang siya. Ngayon, binigyan siya ng project ng Diyos, umasenso siya."
Regular na napapanood si JC sa mga sumusunod na programa ng TV5: P.O.5, Lokomoko High, at ang upcoming kiligserye na My Driver Sweet Lover.
Sabi pa ni Annabelle, "Natutuwa ako sa lahat ng mga talents ko, masisipag. Nakikinig sila sa manager nila. Naniniwala sila sa aking kakayahan. Lahat ng talents ko, kapag umasenso ang buhay nila, natutuwa ako."
HURT BY HEART. Pero ikinabigla ng entertainment press na dumalo sa presscon ang mga sumunod na pahayag ni Annabelle. Hindi nila inaasahan ang kanyang mga rebelasyon laban sa alaga niyang si Heart Evangelista.
"Pinakamalaking kontrata, nakuha ko sa GMA-7. Pinakamalaking trabaho na nakuha ko sa kanya, hindi pa sila ma-satisfy. Naloloka ang byuti ko!
"Nakuha ko yung contract, kinuha sa akin ng mommy niya ang kontrata niya, for another three years. Napakalaki ng kontrata.
"Naduling yata ang nanay sa pagbasa. The next day, sinabi niya na 'ayaw ko nang mag-renew, hanggang two years lang tayo,' samantalang mag-two years pa lang kami."
Ang tinutukoy ni Annabelle ay ang ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.
Patuloy ng talent manager, "Nakita nila yung kontrata sa GMA, malaki ang figures. The next day, 'Pwede ba, puwede ba ako na lang ang mag-manage sa anak ko? Kasi kailangan ko ring tulungan ang sarili namin. Sayang naman yung 30 percent [commission] na makukuha ko.'
"Okey lang sa akin. So, meron pa siyang one year sa akin," pagtukoy naman ni Annabelle sa nalalabi pang kontrata ni Heart.
Dagdag niya, "Sa tagal ko na sa industriya, sa tagal ko nang manager, yung mga walanghiyang talent, ingrata, walang utang na loob, malalaos din 'yan!
"Hindi ako papayag. 'Yang mga walang utang na loob, mga ingrata, hindi sisikat 'yan. Kakarmahin 'yan sa akin!
"Yung kontrata na nakuha ko sa GMA, mula nang mag-umpisa siya sa GMA, hindi niya natikman sa kabilang istasyon, even one-fourth ng kontrata na nakuha ko sa GMA."
Mula sa ABS-CBN, lumipat si Heart sa bakuran ng GMA-7 noong April 23, 2008. Kasama niyang pumirma ng kontrata sa Kapuso network noon ang kanyang ina at si Annabelle, na tumatayong co-managers niya.
Pumirma ulit ng two-year exclusive contract si Heart sa GMA-7 noong July 15, 2010. Kasamang muli ni Heart sa pagpirma ang kanyang ina at si Annabelle.
Sabi pa ni Annabelle, "Ngayon lang siya sa buhay niya nakatikim ng ganoong klaseng suweldo, galing sa akin. Pero yumabang naman sila kaya gusto ng nanay na siya ang mag-manage. Good luck! Yun lang, good luck, girls.
"Nasaktan ako dahil ako talaga ang nag-buildup sa kanya. After three years niya na nalaos, ako ang nag-buildup sa kanya.
"Ako, sinasabi ko, wala pa akong isinusumpang talent na sumisikat kapag nagwalanghiya sa akin! Kasi masama ang loob ko talaga..."
Sinabi rin ni Annabelle na kasali dapat si Heart sa fashion show sa pagrampa sa show ng Royale Artists, pero ayaw raw nito. Kaya binura na raw ang pangalan ng young actress sa listahan ng mga rarampa sa fashion show.
Ayon pa kay Annabelle tungkol kay Heart, "Kapag may kasama siyang pangit, nandidiri siya. Hindi naman puwedeng ganoon. Hindi naman siya superstar.
"Naging star lang siya dahil sa akin kasi matagal na siyang nalaos! Wala siyang project, sa akin lang siya nabuhay. Binuhay ko lang ang kanyang patay na career.
"Yun ang motto ko sa buhay ko, yung mga patay na career, binubuhay ko. Yung mga nalalaos, pinapasikat ko. Yon ang motto ko sa buhay ko.
"Pinu-prove ko 'yon how many times na. Maski mga anak ko, sinasabihan ko ng ganoon."
HEART'S REACTION. Ito naman ang reaksiyon na ibinigay ni Heart sa blogsite na darlasauler.com:
"Contracts are made to end. I guess by not renewing the other party isn't happy. I've always been handled by my family. I don't think there's anything wrong with that. I'll always be grateful to the people that helped me along the way. Positive vibes. God bless!"