Vice Ganda admits having a misunderstanding with Ai Ai delas Alas, but hopes that they will be able to resolve their issue someday.
Vice admitted that reports of a snubbing incident between him and Ai Ai are true, but explained that he is not rude as what some people are saying.
“Lumabas kasi sa artikulo na binastos ko si Ms. Ai-Ai, hindi ko sya pinansin kaya hinusgahan na bastos raw ako. Totoo pong nangyari yun na hindi kami nagpansinan ni Ms. Ai Ai sa isang event, hindi po talaga kami nagpansinan, hindi ko sya pinansin, hindi nya ko pinansin,” he told host Boy Abunda in an interview on “The Buzz” last Sunday, January 1.
Ai Ai wants peace
Ai Ai, for her part, prefers to keep mum on the issue. She told Yahoo! Philippines OMG! in a text message: “Sorry po, no comment. I hope you understand New Year and peace. As always let’s be magnanimous in our victory.”
Vice’s hopes
Vice expressed hopes that he and Ai Ai can fix the issue at the right time.
“Wala pong pansinan na naganap kase meron po kaming pinagdadaanan, meron po kaming issue. Meron po kaming issue na kailangang mairesulba at naway mairesulba sa takdang panahon,” he said in the interview on “The Buzz”, where Ai Ai was a guest co-host.
Vice noted that those who are judging him don’t know the reason behind the misunderstanding. He added that it’s only he and Ai Ai who know all about it.
“Masakit lang kasi maraming tao ang hindi naman nila alam kung ano nagaganap, hindi nila nauunawaan kung anong nangyayari , hindi nila alam kung anong namamagitan sa amin ni Ms. Ai Ai, pero nagbibigay sila ng husga.”
He pointed out that the snubbing incident doesn’t mean he is rude. “Hindi porke’t isang beses na hindi ko pinansin si Ms. Ai Ai ay bastos na ko. Gusto ko lang pong linawin an meron kaming pinagdadaanan ni Ms. Ai Ai, at yun ang dahilan kung bakit naganap ang sitwasyon na yun,” he explained.
Vice is also asking those who got offended by the situation to forgive him.
“Meron po kaming problema, ina-a-acknowledge ko po yun. At kung merong mga taong na-offend sa sitwasyon nay un, humihingi po ako ng tawad,” he said.
Ang pagiging Comedy Concert Queen ni Ai-Ai delas Alas ay hindi lang napapatunayan sa tuwing meron siyang live performance sa mga concert, sarili man niyang show or as featured guest artist, kundi sa anumang pagkakataong nasa sentro siya ng entablado at pinanonood ng maraming tao.
Tulad kagabi, December 26, sa awards night ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2010, kung saan itinanghal si Ai-Ai bilang Best Actress para sa pagganap niya sa Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To)!.
Sa kanyang mahabang acceptance speech, naging emosyunal si Ai-Ai.
Ilang segundong hindi muna nakapagsalita dahil sa totoong pag-iyak, pero ito'y naging kaaliwan ng mga taong nanood ng seremonyas sa Meralco Theater dahil sa sandaling nagsalita na ang actress-comedienne ay tuluy-tuloy na ang pagbibitiw niya ng witty punchlines, na animo'y nasa comedy bar siya.
"Pasensiya na... Nahihiya kasi ako kung lahat sila nanalo, tapos ako lang ang hindi," umiiyak na simula ni Ai Ai, habang tangan sa may dibdib ang kanyang MMFF Best Actress trophy.
Earlier that night, tinawag din si Ai-Ai sa entablado ng mga kasama sa pelikula, led by Wenn Deramas (Best Director winner), para sa Best Picture award ng Ang Tanging Ina Mo.
Hindi dama ng audience ang matinding kaba na nararamdaman ni Ai-Ai ng mga sandaling 'yon dahil natural pang nagpatawa ang komedyana bilang pag-"thank you" rin.
"Ang gagaling n'yo," sabi niya, patungkol sa mga hurado. "Tama lahat ang desisyon n'yo... tama lahat!"
Wala pang best actress award no'n. Pero ang major awards (Best Picture, Director, Story, Screenplay, Supporting Actress, Child Performer) ay napagwagian na ng comedy film ng Star Cinema na pinagbibidahan ni Ai-Ai.
In a few minutes, in-announce na ngang si Ai-Ai ang nanalo bilang pinakamahusay na pangunahing aktres.
"THANK YOU!" Isa-isang binanggit ni Ai-Ai ang mga taong gusto niyang pasalamatan—buhay man o patay na—sa una niyang pananalo ng best actress award sa MMFF.
"Thank you so much po sa lahat ng mga bumoto," sabi niya, "at sa ABS-CBN family. Thank you po kay Direk Wenn na gumawa nito lahat po. Lahat ng mga [gumanap na] anak ko—si Marvin [Agustin], si Shaina [Magdayao] na magagaling po dito. Kay Carlo [Aquino], kay Nikki [Valdez]...
"Thank you sa lahat po ng nagdasal para sa akin... Father Allan, lahat po ng Dominican nuns... Opo, nagdasal sila. Sabi nila, dapat Best Actress ako! Thank you sa mga bishop and the clergy!"
Nagtawanan ang audience sa bahaging ito ng speech ni Ai-Ai. At lalong nagtawanan sa sumunod na binanggit ng comedienne.
"Thank you sa mga kaibigan ko po na nagdadasal... Manager ko po, si Boy Abunda. Ang una kong manager, si Nap Gutierrez, tsaka yung namatay ko na pong manager, si Tita Angie [Magbanua]...
"Tsaka sa lahat po... Lito Alejandria, partner ko [sa business]. Lahat po ng mga press people na tumulong sa akin... sina Jobert [Sucaldito], si Richard Pinlac, si Tita Lolit [Solis], si Jojo Gabinete, si Ricky Lo, si Shirley Pizzaro, si Bayani San Diego, si Jun Nardo...
"Yung mga nakalimutan ko po, pasensiya na, pasasalamatan ko kayo sa The Buzz," banggit pa ni Ai-Ai.
KIDS AND CO-NOMINEES. "Siyempre po, dine-dedicate ko itong award na ito sa mga anak ko—kay Sancho [19 years old], kay Sean [17], at kay Sophia [14]," sabi rin ni Ai-Ai.
"Sa aking mga co-nominees... sino bang co-nominees ko?" tanong ni Ai Ai.
"Kay Kris [Aquino, para sa Dalaw], kay Jennylyn [Mercado, para sa Rosario]... Si Jennylyn ang mahigpit kong kalaban...
"Jennylyn, para sa 'yo rin 'to. Pasensiya ka na. Tutal, mas matanda naman ako sa 'yo, ibigay mo na 'to sa akin. Ibibigay ko sa 'yo, mas marami next time," kuwelang pagbibiro pa niya para sa Kapuso star, na nasa kaliwang bahagi ng audience section, katabi ng actor-boyfriend niyang si Dennis Trillo.
SPORT KRIS. Nasa kanang bahagi naman ng audience section si Kris at nakita itong nagtsi-cheer para kay Ai-Ai. Higit kailanman, ipinakita ni Kris na isa siyang good sport, lalo't matalik na kaibigan ang nagwagi.
Sa guesting nga nila ni Ai-Ai sa The Buzz noong hapon na 'yon ay sinabi ni Kris na kung hindi si Jennylyn ang mananalo bilang Best Actress ay gusto niya na si Ai-Ai ang mag-uwi ng tropeyo.
Kay Kris, nagsalita si Ai-Ai: "Friendship, sabi mo asa ako? Sabi mo, 'Asa ka pa?' O, tingnan mo!"
Hindi nabanggit bilang nominees for Best Actress noong gabing yun sina Jennylyn at Kris. Sa bagong ruling ng MMFF ay ang three top nominees lang ang babanggitin ng presenters.
Ang mga nakasamang nabanggit ni Ai-Ai ay sina Carla Abellana para sa Shake, Rattle & Roll 12 at Marian Rivera para sa Super Inday and the Golden Bibe.
Isinisigaw ni Kris na banggitin din ni Ai-Ai si Marian, pero nakalimutan na ng komedyana na banggitin ang Kapuso actress.
WISH FULFILLED. "Siyempre po, talagang nagpa-elevate po ako, sabi ko, 'God, sana mag-topgrosser kami at sana, Best Actress ako.' Ayan, ibinigay Niya agad. Thank you, God!" patuloy pa ni Ai-Ai, na muling napaiyak.
At press time ay pumapangalawa sa takilya ang pelikula ni Ai-Ai, kasunod ng nangungunang Si Agimat at Si Enteng Kabisote nina Vic Sotto at Sen. Bong Revilla.
In a few seconds naman, back to her element ng pagka-comedienne niya ang award-winning actress, na may nakakatuwa pang sinambit:
"Isa lang po talaga ang hinihiling ko na hindi pa Niya ibinibigay—mapangasawa ko si Vic Sotto!
"Para kami na yung mag-produce [ng pelikula] at hindi ko na siya kalaban sa filmfest! [Para] sa amin na lahat yung kita!"
Tawanan uli ang manonood, na may kasabay na palakpakan, bilang pagtanggap sa pagwawagi ni Ai-Ai.
"Thank you, Lord! Thank you po sa inyong lahat! God bless you po!" panghuling sambit ni Ai-Ai.
MANILA, Philippines – Young actress Heart Evangelista apologized to Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas on Tuesday for missing the last installment of the “Tanging Ina” series.
During Tuesday episode of “Showtime,” where Delas Alas is a guest judge, resident judge Vice Ganda read a text message from Evangelista.
In the message, Evangelista thanked the cast and crew of “Tanging Ina” for giving her the chance to be part of the comedy movie. She was also remorseful because she had to turn down an offer to appear in the last installment due to her numerous commitments
“My dear ‘Tanging Ina’ family and Tita Ai Ai, thank you for the chance to be with old co-workers and friends and also to be part of the movie with that special role. I am deeply sorry for the outcome and I just wanted to let you all know that I was really looking forward to be part of it even for a day. God bless and I miss you all, from Heart,” the message read.
A teary eyed delas Alas warmheartedly accepted Evangelista’s apology, saying she still loves the young actress no matter what.
“Dahil nagso-sorry ka naman in spirit of Christmas, Heart, we miss you anak. And sana kasama ka namin sa last ng ‘Tanging Ina.’ Pero ganoon talaga. Anyway, Merry Christmas, Heart, and God bless... Heart anak, I love you,” she said.
When asked by ABS-CBN News why she got emotional over the actress’s message, Delas Alas said: “Naluha ako kanina...nasasayangan kasi ako sa pagkakataon na mapasali ka (Heart) ulit sa pelikula. Pero anak huwag mong iisiping galit ako sa’yo. May konting tampo, pero apology accepted.”
It would be recalled that Delas got disappointed over Evangelista's decision to pull out of the last installment of "Tanging Ina."
Among the movie's original cast members, only Evangelista failed to reprise her role as delas Alas’s fourth child.
Evangelista and actor Marvin Agustin are now talents of GMA 7. But Agustin was permitted to be part of the Star Cinema-produced movie.
Directed by Wenn V. Deramas, "Tanging Ina Mo, Last Na 'To" also stars Nikki Valdez, Carlo Aquino, Alwyn Uytingco, Marc Acueza, Shaina Magdayao, Serena Dalrymple, Jiro Manio, Yuuki Kadooka, Xyriel Manabat and Eugene Domingo. -Report from Gretchen Fullido, ABS-CBN News
Isang misa ang inialay ni Ai-Ai delas Alas kahapon, November 20, bilang pasasalamat sa lahat ng biyayang kanyang natanggap sa loob ng 20 years na pamamalagi sa show business.
Ang thanksgiving mass ay ginanap sa Social Hall Clubhouse ng Ayala Hillside Estates sa Quezon City.
Dumalo sa pagtitipon ang ilang malapit na kaibigan ng magaling na komedyana sa showbiz katulad nila Bayani Agbayani, Joy Viado, Nova Villa, at Erik Santos.
Present din ang mga kamag-anak ni Ai-Ai at non-showbiz friends, sa pangunguna ng mga dating kaklase sa Far Eastern University.
Dahil maaga ang okasyon at dulot na rin ng biglaang pag-ulan ay bumigat ang traffic sa Quezon City area. Kaya tuloy marami ang nahuli ng pagdating.
Alas-dos dapat magsisimula ang misa ngunit minabutng hintayin muna ang ilan pang bisita dahil kokonti pa lang ang laman ng venue during the time.
Nagbigay muna ng short talk ang sikat na preacher at self-help book author na si Bo Sanchez bago ganapin ang actual mass. Tinalakay ni Sanchez ang pagiging matatag sa gitna ng mga problemang kinakaharap sa buhay.
HAPPY AND CONTENTED. At dahil 20 years na siya sa showbiz ay benteng pari rin ang inanyayahan ni Ai-Ai para makilahok sa misa.
Labing siyam nga lang ang dumating dahil naipit sa traffic ang isang pari at matatagalan pa bago ito makakarating sa subdivision kaya napagkasunduan na ituloy na ang seremonyas.
Masaya ang naging takbo ng misa dahil kuwela si Fr. Erick Santos, na siyang nagbigay ng homily. Sumusundot-sundot kasi ng jokes si Fr. Santos sa gitna ng kanyang sermon na ikinatuwa naman ng lahat.
Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ai-Ai matapos ang misa ay inamin nito na hindi niya inakala na magiging mahaba ang takbo ng kanyang showbiz career, kaya labis labis daw ang kanyang pasasalamat sa Diyos.
Incidentally, nagdiwang din si Ai-Ai ng kanyang ika-46th birthday nito lang November 11.
Meron ba siyang partikular na birthday at showbiz anniversary wish?
"Wala na. Sabi nga ni Father sa homily niya 'God is enough.' Marami na 'kong masyadong blessing.
"Sana na lang, good health sa mga anak ko at walang magkakasakit, and 'yong buong Pilipinas is maging maayos."
Hindi madali para kay Ai-Ai ang pumili ng sa tingin niya ay pinakamalaking achievement niya bilang artista.
Pero mangunguna daw siguro sa listahan ang mga comedy concerts na nagawa niya in the past at ang pelikulang Ang Tanging Ina.
EXIT WHILE ON TOP. Itong darating na 36th Metro Manila Film Festival ay kalahok ang pelikula ni Ai-Ai, na may pamagat na Ang Tanging Ina Mo Rin (Last Na To!).
Ito na bale ang magsisilbing wakas ng highly successful Ang Tanging Ina Mo movie franchise ng Star Cinema.
Taong 2003 nang unang pumatok sa sinehan ang pelikula at nasundan ito ng sequel noong 2008 sa pamamagitan ng Ang Tanging Ina N'yong Lahat.
Bagama't nalulungkot si Ai-Ai sa pagtatapos ng proyektong kanyang pinagbibidahan, sinabi nito na mainam na rin na magkaroon na ng "closure" ang pelikula kesa hintayin pa na pagsawaan ito ng publiko.
"Maganda 'yong habang nasa peak pa 'yong Ang Tanging Ina, may maganda siyang exit," katwiran ni Ai-Ai.
Nagpapasalamat din si Ai-Ai sa mga patuloy na naniniwala sa kanyang kakayahan bilang aktres.
Sa kabila kasi ng pagsikat ng maraming komedyanteng galing sa mga comedy bars at maging sa YouTube, itinuturing pa rin bilang Queen of Comedy si Ai-Ai.
"Bigay lang naman 'yang mga titulo—bigay lang 'yan ng mga tao. Pero, siyempre, kung ano 'yong binigay sa 'yo dapat ingatan mo. Tsaka ako, iniingatan ko pa rin 'yan dahil pinaghirapan ko din 'yon," nakangiting sambit ni Ai-Ai.