Si Agimat At Si Enteng Kabisote na ang final title ng pelikulang pagsasamahan nina Senator Bong Revilla at Vic Sotto. Co-produced by GMA Films, Imus Productions, M-ZET Productions, APT Entertainment, and OctoArts Films, this is an entry to the 2010 Metro Manila Film Festival.
Sa set visit ng pelikula sa Tanay, Rizal noong Sabado, October 30, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Sen. Bong.
Ayon sa actor-politician, nagre-rent siya ng isang villa malapit sa kanilang set kapag wala siyang pasok sa Senado at tuwing may shooting siya para hindi na siya mahirapang magbiyahe mula sa bahay nila sa Ayala, Alabang.
WORKING WITH VIC. Paano nabuo ang istorya ng pelikula nila ni Vic?
"Natuwa kami nang mapagsama ang story ni Agimat at ni Enteng Kabisote," simula ni Sen. Bong. "Nag-meet kami, grupo ni Agimat at grupo ni Enteng Kabisote.
"Pinag-usapan namin na since lagi naman kaming nagbibigay ng kasiyahan sa mga manonood tuwing festival, bakit hindi kami magsama sa isang movie, bilang pasasalamat na rin namin sa mga sumusubaybay sa story ni Agimat at ni Enteng Kabisote.
"Kaya two-in-one movie ito. Kung ano ang hinahanap ng mga manonood kay Agimat at kung ano ang hinahanap ng mga manonood kay Enteng Kabisote, makikita nila dito. Parehong may action, adventure, comedy, love story.
"Nagpapasalamat kami sa mga writers naming sina Bibeth Orteza at RJ Nuevas," banggit din niya.
Kumusta naman ang pagtatrabaho nila ni Vic?
"Dito, parang hindi kami nagtatrabaho, para lang kaming naglalaro. After ng take, lalo na doon sa magkasama kami ni Vic, tawanan lang kami nang tawanan.
"Biruan kami lalo na doon sa mga eksenang pareho kaming naka-harness. Mahirap, pero kaming dalawa talaga ang gumawa ng mga eksena.
"Lalo na 'yong laban naming dalawa, kami talaga 'yon, para hindi na kami gumamit ng chroma."
Bakit pumayag siyang mauna ang billing ni Vic sa kanya?
"Hindi problema sa akin ang billing," sabi ni Sen. Bong. "Saka kung iku-consider ang seniority, si Vic talaga ang dapat mauna sa akin.
"Ang mahalaga rito, ibang Bong at ibang Vic ang makikita dito. Equal ang exposure namin kaya we give credit sa mga writers at kay Direk Tony Reyes na talagang binusisi ang pelikula. Pagdating naman sa special effects, ibinigay namin ito kay Direk Rico Gutierrez.
"Five days na lang, tapos na kami ng shooting at hindi na kami magwu-worry na hindi kami makaabot sa deadline ng MMFF sa December. Basta ang maipapangako lang namin, masaya tayong lahat sa Pasko."
LEADING LADIES. Sino ang pumili ng leading ladies nila sa movie na sina Sam Pinto (para kay Sen. Bong) at Gwen Zamora (para kay Vic)?
"Ang GMA Films ang nag-provide ng mga leading ladies namin dito dahil pareho nilang contract stars," sabi ni Sen. Bong.
"Sam is Samara, my leading lady, isa siyang warrior girl na matagal nang hinahanap si Agimat dahil pinatay ang kanyang pamilya ng mga masasamang tao.
"Si Gwen naman ang ibinigay nila kay Vic bilang bagong Faye, ang wife ni Enteng. Bagay na bagay din sa kanya ang maging fairy."
Kinumusta rin ng entertainment press kay Sen. Bong si Sam na lately ay medyo naging kontrobersiyal at sabi'y hindi raw marunong umarte.
"No, it's not true. Mahusay si Sam, ang ganda ng rehistro niya sa screen at bumagay ang role at costume sa kanya. Makikita ninyo ito kapag napanood na ninyo ang movie.
"Mabait siya at walang reklamo kahit alam naming nahihirapan siya doon sa mga fight scenes niya," pagtatanggol ng senador sa kanyang leading lady.
JILLIAN WARD. Kumusta naman ang sidekick niya sa pelikula na si Jillian Ward? May eksena raw na umiyak nang umiyak si Jillian kaya pinagamitan na niya ng double.
"May isang eksena kasing naka-harness siya. Noong una, okey lang sa kanya pero nang itinaas na siya, natakot na siya kaya umiyak nang umiyak. Pinabigyan na namin ng double dahil ayaw naming ma-trauma ang bata sa height.
"Pero pagdating sa acting, mahusay si Jillian at bibong-bibo siya kaya tuwang-tuwa sa kanya ang mga kasama naming artista at ang production staff," saad ni Sen. Bong.
SK CHAIRMAN. Shifting to another topic, nagpasalamat si Sen. Bong dahil nanalo bilang SK Chairman ng Bacoor, Cavite ang anak niyang si Jolo Revilla.
Hindi ba mahirap kay Jolo na nag-aartista, nag-aaral, at gampanan ang tungkulin as SK Chairman?
"Ang napansin ko kay Jolo, gusto niyang sundan ang aking yapak," sabi niya.
"Kaya niyang pagsabay-sabayin 'yon. Basta ang advice ko sa kanya, matuto lang siyang mag-manage ng time niya. Si Jolo kasi, bukod sa mabait, matiyaga 'yan sa lahat ng mga ginagawa niya."
RENEWAL OF VOWS. Tuloy ba ang renewal of vows nila ng wife niyang si Rep. Lani Mercado sa kanilang silver wedding anniversary sa May 28, 2011, sa unang pinagkasalan nila sa isang church sa Glendale, California?
"Pinaghahandaan nga namin 'yon, pero mukhang magagahol na kami sa panahon. Gusto kasi namin kasama lahat ng mga anak at apo namin. Iimbitahin din sana ang mga naging ninong at ninang namin noong church wedding dito.
"Napag-usapan nga namin ng GMA Network na igagawa kami ng isang special coverage ng wedding anniversary namin.
"Kung hindi matutuloy sa Glendale, baka ituloy na rin namin ang balak na i-celebrate ito sa Europe. Kung makakakuha kami ng permit, baka sa Vatican na kami magpakasal ulit ni Lani."
Showing posts with label Vic Sotto. Show all posts
Showing posts with label Vic Sotto. Show all posts
Thursday, November 4, 2010
Tuesday, October 26, 2010
Pia Guanio on breakup with Vic Sotto?
Tikom pa rin ang bibig ng TV host na si Pia Guanio tungkol sa mainit na pinag-uusapang hiwalayan daw nila ng comedian na si Vic Sotto.
Kung may mga pagkakataon mang nagbibigay ng pahayag si Pia ay maingat ito sa kanyang mga salita. Katulad na lamang nang makapanayam siya ni Nelson Canlas para sa GMA News noong Linggo, October 24.
Binisita ni Pia ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) noong mismong araw ng kanyang kaarawan upang mamahagi ng mga pagkain at iba pang mga gamit ng mga hayop na pansamantalang nasa pangangalaga ng PAWS.
Nang tanungin kung kumusta na sila ni Vic ay ito ang kanyang naging pahayag:
"Pareho naman kaming in good terms with each other and alam niya niya 'yon. I'll always be... I'm here for him whenever he needs me. And he's also there naman for me whenever I need advice."
Sa tanong naman kung totoo ngang hiwalay na sila, halatang pinipili ni Pia ang kanyang mga salita.
"Like I said, this is something I really wanna keep between us. I really don't want to give a status report to the rest of the world every so often. I think yung relationship namin ni Vic has come to a certain maturity na hindi na kailangang i-label pa," saad niya.
NO THIRD PARTY. Kung pagbabasehan ang mga pahayag ni Pia at ang pananahimik ni Vic, lumalabas na may katotohanan ang usap-usapan na break na nga sila.
Kinumpirma ito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng isang source na malapit kay Pia. Pero idiniin ng source na "walang third party" sa kanilang paghihiwalay.
Ayon pa sa aming source, "pinagsabihan ng Eat Bulaga!" executives si Pia na huwag na lang magsalita tungkol sa hiwalayan nila ni Vic. Sa naturang noontime show ng GMA-7 at TAPE Inc. nagkakilala at nagkadebelopan ang dalawa.
Nakausap din ng managing editor ng PEP na si Karen Pagsolingan ang manager ni Pia na si June Rufino noong October 20, Miyerkules. Nang tanungin kung may katotohanan sa balitang hiwalayan ng kanyang talent at ni Vic, sinabi nito na hindi sila magsasalita.
Unang pumutok ang balitang break na sina Vic at Pia noong kalagitaan ng buwang kasalukuyan.
Bagamat ayaw nilang magsalita nung una, nagpaunlak ng exclusive interview ang Eat Bulaga! hosts sa Showbiz Central noong July 18—nasa loob ng studio si Pia samantalang via phone patch na nakausap si Vic. Isa sa mga co-host ng showbiz talk show si Pia. (CLICK HERE to read related story.)
Sa naturang panayam, inamin ng dalawa na "under construction" ang kanilang relationship noong mga panahong yun. Pero wala raw dapat ipag-alala dahil inaayos nila kung anumang problema sa kanilang relasyon.
Ilang beses din nilang inulit ang mga salitang "we're okay" at "we're good."
SWEET IN ANAHEIM. Pagkatapos ng panayam nilang iyon ay wala na halos narinig o nabasa tungkol sa rumored breakup nila—hanggang noong nakaraang linggo.
Lumabas sa isang daily broadsheet noong October 20 na kumpirmadong break na sina Vic at Pia mula pa raw noong July—the same month na nagpa-interview ang dalawa sa Showbiz Central kung saan inamin nilang "under construction" ang kanilang relasyon.
Marami ang nagulat nang naungkat muli ang balita tungkol sa kanilang breakup dahil nang magkasama sina Vic at Pia sa show ng Eat Bulaga! sa Anaheim, California noong September ay walang nakitang senyales na may tensiyong namamagitan sa dalawa.
Sweet kasi ang dalawa noong nasa U.S. sila.
Ayon sa report ni Anna Pingol para sa PEP, bagamat wala sila gaanong bonding moments dahil gahol sa oras ay hindi naman naghihiwalay sina Vic at Pia liban lamang noong araw ng rehearsals. (CLICK HERE to read related story.)
Hindi na rin sumama si Pia sa last leg ng meet-and-greet the previous night dahil alam niyang parating na si Vic sa hotel at gusto niyang asikasuhin ito pagdating sa hotel.
Nang sumunod na araw, sinamahan pa ni Vic si Pia nang i-meet nito ang ilang kamag-anak niyang naka-base sa California.
Panay rin ang biro ni Vic kay Pia bilang pang-aalaska dito. Halimbawa sa rehearsals ay ginagaya nito ang pagsayaw ni Pia, na aminado namang hindi kagalingang magsayaw.
Sa backstage naman before the show noong September 18 ay kinurot pa ni Vic si Pia sa may bandang kili-kili habang nakatalikod ito at busy sa pagpo-pose à la-model para sa mga camera. Natatawang nagalit kunyari si Pia at hinabol ito, sabay malambing na nagbitiw ng, "Ano ba?"
Lagi rin daw magkatabi sa backstage sina Vic at Pia habang hinihintay magsimula ang show. Matiyag rin daw naghintay si Vic sa may back door kay Pia na busy pang nakipag-usap right after the show.
Kung totoong break na sila noong July, ano ang ibig sabihin ng pagiging sweet nila sa U.S.? Ito ba ay dahil sila pa rin o dahil napanatili nila ang kanilang magandang pagkakaibigan?
Ang mga katanungang ito ay tanging sina Vic at Pia lamang ang makakasagot. Pero hangga't nananatili silang tahimik ay patuloy ang pag-iisip ng marami kung ano nga ba tunay na estado ng kanilang relasyon.
Subscribe to:
Posts (Atom)