Masayang Christmas gift para kay Tom Rodriguez ang pagpirma niya ng two-year exclusive contract sa ABS-CBN.
Present sa contract signing last Wednesday night, December 8, ang ABS-CBN executives na sina Cory Vidanes (channel head) at Linggit Tan (business unit head).
Kasama rin ang Star Magic bosses na sina Johnny Manahan at Mariole Alberto, at ang PR consultant na si Pat-P Daza.
Ginanap ang contract signing sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.
Hindi naman nakadalo ang co-manager ni Tom na si Boy Abunda, pero sinigurado ng TV host-talent manager na makarating ang former Pinoy Big Brother housemate.
Galing pa kasi sa Binangonan, Rizal si Tom para sa taping ng TV5 drama series na My Driver Sweet Lover.
EXCLUSIVE KAPAMILYA. "Pagkatapos ng taong ito, exclusive na ako sa Dos. Hindi na ako ipapahiram sa ibang station," banggit ni Tom sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na dumalo sa contract signing.
Sinabi rin ang actor-singer na may dalawang shows na naka-lineup sa kanya sa darating na taon—isang afternoon drama show at isang primetime series.
Binanggit ni Tom ang pangalan Angelica Panganiban na isa sa posibleng makatrabaho niya.
"I've worked with her before. I'm excited to work with her, lalo pa at magkakaroon daw ng Here Comes the Bride Part 2."
Dagdag niya, "Nag-e-enjoy din kasi ako sa drama ngayon. Gusto ko pang ihasa at sanayin ang sarili ko sa drama."
Tom also hopes to work with John Lloyd Cruz in the future.
"Sana mapanood ko siya para makita ko kung paano siya magtrabaho para din marami akong matutunan."
Isa sa mga bagay na pinagtatrabahuhan ni Tom ay ang kanyang pagsasalita ng Tagalog magmula pa nang dumating siya mula sa United States para sa PBB Double Up.
"Pinakyaw ko na yata lahat ng Tagalog comic books na mahahanap ko sa mga bookstores dito.
"Sana naman kahit paano, nag-improve na since last year," nakangiti niyang sabi.
WORKING ON CHRISTMAS DAY. Dahil malayo ang kanyang pamilya sa kanya, minabuti ni Tom na kumuha ng trabaho sa mismong araw ng Pasko, December 25.
"Ako lang yata ang artistang tumanggap ng trabaho on Christmas Day!" tawa niya.
"Ayoko naman malungkot ang Christmas ko.
"Buong pamilya ko nasa States, ako lang mag-isa dito.
"Mas mabuti na itrabaho ko na lang.
"I'm just going to sing, which is a passion that I've learned to love.
"Napakasarap kasing kumanta lalo pa kung inihahandog mo ang kanta mo sa taong-bayan.
"Ibang klase kasi yung feeling," banggit ni Tom, na magsu-show sa probinsiya sa Pasko.