Showing posts with label Regine Velaquez. Show all posts
Showing posts with label Regine Velaquez. Show all posts

Wednesday, December 22, 2010

Ogie Alcasid Regine Velasquez are now officially husband and wife!



Kasal na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Naganap ang kasal ng dalawang singers sa Terrazas de Punta Fuego, isang beach resort, sa Nasugbu, Batangas, kaninang bandang alas-tres ng hapon, December 22, at natapos ito bago mag-5 PM.

Ayon sa reports na nakalap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Twitter account ng mga kaibigan ng dalawang celebrity, naluha sina Ogie at Regine habang nag-e-exchange ng kanilang wedding vows. Ibinigay ng dalawa ang kanilang vows sa pamamagitan ng kanta.

Sa isang bahagi ng wedding vow ni Ogie ay sinabi niyang, "I'll be your Reginean, your Brad Pitt, and Justin Bieber..."

Tinapos naman ni Regine ang kanyang wedding vow sa linyang ito: "I've never felt so happy all my life."

Nakasuot si Regine ng bright red gown, na gawa ni Monique Lhuillier. Si Ogie naman ay naka-coat and tie.

Maganda at romantic ang venue ng kasalan.

Ayon sa report ni Karen Pagsolingan ng PEP, "The venue was filled with violet, pink, and white flowers. Visitors are dressed in pastel colors. The altar is overlooking the hills."

Nangunguna sa mga bisita si Pangulong Noynoy Aquino, na isa sa groomsmen.

Ilan pa sa mga bisita ng Songbird at sa Singer-Songwriter ay ang mga kaibigan nila sa showbiz na sina Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas, Michael V., Senator Bong Revilla, Christian Bautista, Noel Cabangon, John Prats, Rachelle Ann Go, Direk Louie Ignacio, at Direk Dante Nico Garcia.

Kasama rin sina Dennis Trillo, Jose Mari Chan, Pia Magalona, German Moreno, Kuh Ledesma at ang anak niyang si Isabella. Naroon din ang mga Gutierrezes na sina Eddie, Annabelle, Ruffa, at Richard.

Ilan sa couples na dumalo ay sina Richard Gomez at ang asawa niyang si Cong. Lucy Torres, na nakasuot ng isang gray na gown. Kasama naman ni Dingdong Dantes ang kasintahang si Marian Rivera, na naka-light blue-green sequined gown.

Kasama naman ni Robert Chien ang asawang si Lea Salonga, na nakasuot ng baby pink na gown. Kasama naman ni Janno Gibbs ang asawang si Bing Loyzaga at ang kanilang dalawang anak na babae. Sabay ring dumating ang magkasintahang sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr.

Dumalo rin ang big bosses ng dalawa sa GMA-7 na sina Atty. Felipe Gozon, Wilma Galvante, Lilybeth Rasonable, Darling de Jesus, at Redgie Magno.

Dumating din ang matriarch ng Regal Films na si Lily Monteverde, Viva big boss na si Vic del Rosario, Bench owner Ben Chan, TAPE executive Tony Tuviera, at TV5 big boss Manny Pangilinan.

Hindi naman mawawala and dating asawa ni Ogie na si Michelle Van Eimeren kasama ang mga anak niyang sina Leila at Sarah. Kasama ni Michelle ang asawang si Mark Morrow.

Ginamit sa naganap na kasalan ang mga kanta nina Regine at Ogie, kasama na ang "Pangarap Ko ang Ibigin Ka" at "Kailangan Kita."

Kasunod ng kasal ay ang reception na gaganapin sa beachfront ng Terrazas de Punta Fuego.



Source: PEP