Showing posts with label Gladys Reyes. Show all posts
Showing posts with label Gladys Reyes. Show all posts

Monday, November 22, 2010

Gladys Reyes gives birth to third baby (Grant Carlin Sommereux)

Yesterday, November 20, isinilang na nga ni Gladys Reyes via Caesarean operation ang ikatlong anak nila ng asawang si Christopher Roxas sa Asian Hospital. Sa pamamagitan ng text message ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gladys early this morning.

Ayon nga sa aktres, her third baby was born yesterday morning.

"Ang name niya is Grant Carlin Sommereux. He was born at exactly 9:36 AM at Asian Hospital. He weighs 6.8 lbs and 50 cms long."

Grant, ang first name ng baby nila, ay hango sa French word meaning "great," at ang Carlin naman ay nangangahulugan ng "little champion."

Nang tanungin namin si Gladys kung sino sa tingin niya ang kamukha ni Grant, obvious raw na ang ama ang kamukha nito.

Aniya, "Obvious naman po kung sino ang kamukha. Sa lahat yata ng anak namin, itong si Grant ang pinaka-kamukha ni Christopher."

Feel na feel naman raw ng two older children nila na sina Christophe at Aquisha ang pagkakaroon ng additional member in the family.

Sey nga ni Gladys, "Mga kuya at ate na sila."

Simula pa sa panganay na anak na si Christophe ay through caesarean operation na nga kung manganak si Gladys.

Aniya, ""From the start, cs na talaga ako kaya wala akong trauma sa panganganak. Walang labor. Naka-sked na agad. Yung O.B. ko, yun pa rin, si Dra. Madeline Florendo."