Friday, September 30, 2011

Calumpit at Hagonoy lubog sa baha matapos magpawala ng tubig ng 3 dam


Lubog pa rin ngayon sa tubig-baha ang ilang bayan ng Bulacan matapos ang halos sabay sabay na pagpapakawala ng tubig ang tatlong dams.


Kabilang sa nagpakawala ng tubig ay ang Ipo, Angat at Bustos dam.


Partikular na naapektuhan ay ang bayan ng Hagonoy at Calumpit sa Bulacan, kung saan nagsilbi itong daluyan ng tubig.


Ayon kay Bulacan Gov. Wilhelmino Alvarado, 29 na barangay sa Calumpit at 26 na barangay sa bayan ng Hagonoy ang lubog sa baha.


Halos lahat umano ng mga residente ay nasa bubong na ng kani-kanilang mga bahay.

No comments: