"Kahit maraming kontrobersiya na dumaraan sa kanya, nagpakita pa rin siya to support my business," sabi ni Ara nang makita ang kapatid na dumating sa opening ng Pure Glow by Ara's Secret sa Market! Market! sa Taguig City kahapon, Marso 4.
Ayon kay Ara, mas madalas ang pagsasama nilang magkapatid ngayon dahil hindi na masyadong abala si Cristine sa trabaho matapos ang pinagbidahan nitong teleserye sa ABS-CBN, ang Kristine.
Bukod dito, pinatunayan ni Ara na mas naging close sila ngayon ng kanyang kapatid dala na rin ng kasalukuyang issue na kinasasangkutan ni Cristine.
Ito ay may kinalaman sa "love triangle" sa pagitan nina Cristine, Rayver Cruz, at Sarah Geronimo.
Sa bagong isyu ng YES! magazine ngayong Marso ay nagsalita na si Sarah sa napabalitang naging relasyon nila ni Rayver. Sa artikulong ito, itnuturong isa sa dahilan ng paghihiwalay nina Sarah at Rayver ay si Cristine, na ngayo'y girlfriend na ng young actor.
Ayon kay Ara, pinapayuhan na lang niya ang nakabababatang kapatid na huwag nang pansinin ang mga negatibong komento tungkol sa kanya ng mga tao.
Kuwento ni Ara sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "I told her na, 'Hayaan na natin. Kung ano 'yong mga nakukuha mong bad words or nega issue.' Sabi ko, quiet na lang siya. At least, dumating na rin naman 'yong time na naano na rin ang galit niya. Tama na 'yon. Huwag na nating anuhin para matapos na."
IT HURTS. Bagamat gusto nang palipasin ni Ara ang mga nasabi ng bawat kampong sangkot sa isyu, hindi naman niya naitago ang pagkadismaya sa mga nasabi tungkol sa paraan ng pagpapalaki sa kayang kapatid na si Cristine.
"Naaawa lang ako sa sister ko," sabi ni Ara. "Actually, pati ang family namin nadadamay na, pati mommy ko. Parang saan daw ba kami nanggaling at ano ba ang pagpapalaking ginawa sa amin. Parang ouch. Ako ang na-hurt for my mom.
"Maganda po ang pagpapalaki ng parents ko," diin niya. "It so happened na naghiwalay ang parents ko noong lumalaki si Cristine. So, ako talaga 'yong panganay. Ako talaga 'yong, even nga 'yong nagpaaral kay Cristine, ako.
"Hindi naman sa nagkukulang tayo. Dumarating tayo sa stage na ganyan, may mga kapilyahan, may mga pasaway. Pero depende nga lang kung papaano natin iha-handle. Siguro hindi lang gano'n kasanay ang sister ko. E, ako naman, tapos na."
Sinabi rin ng aktres na nagkakamali rin ang kanyang kapatid tulad ng mga ordinaryong tao.
"Iharap mo sa akin kung sino ang taong malinis, kung sino ang taong walang kasalanan. Ano lang, Diyos lang ang pinakamabuti. Walang perfect na tao. Even 'yong mga goody-goody na nakikita natin, may mga pagkakamali rin 'yang nagawa sa buhay," pahayag ni Ara.
NO ILL FEELINGS. Bagamat sobrang naapektuhan ang kanyang pamilya sa mga naglabasang pahayag mula sa kampo ni Sarah, siniguro naman ng ate ni Cristine na hindi masama ang loob niya kay Sarah at sa ina nitong si Mommy Divine.
"We're friends naman. Sana lang, huwag na lang sila masyado papadala sa sinabi ni Cristine unless sila mismo ang nakakita. Para hindi na rin lumaki. Kasi, puwedeng may manggatong," sabi ni Ara.
Aniya pa, "Sana lang matapos na ito para at peace na rin 'yong sa family namin at pati 'yong sa side ni Sarah, at sa family rin ni Rayver. Kawawa rin naman si Rayver kasi wala rin namang nagde-defend sa kanya, mom lang niya dahil wala na siyang father."
REQUEST TO SARAH'S FANS. Hindi ikinaila ni Ara na dahil sa isyu sa pagitan ng kanyang kapatid na si Cristine at sa Pop Star Princess na si Sarah, may ilang masugid na tagahanga ng huli ang nagtu-tweet sa kanya.
Bagamat hindi na nagbigay ng detalye si Ara kung ano ang mga mensahe ng fans ni Sarah sa kanya, ito naman ang paalalang iniwan niya: "Ang masasabi ko lang, huwag tayo basta-basta mag-judge."
Dagdag pang paliwanag ni Ara, "I'm sure lahat ng mga fans na nagtu-tweet sa akin o mga fans ni Sarah, hindi naman sila lahat nakakasama si Sarah. Hindi naman sila lahat nakakasama si Cristine.
"They will know that the character of the person kapag nakasama mo, e. Iba kasi minsan 'yong pag-project namin minsan sa TV. Ako nga minsan akala nila mataray. Pero kapag nae-encounter nila ako, parang, 'Ay, mabait ka pala. Ay, payat ka pala.' Iba-iba, e.
"Sana lang po, tulungan na lang po din natin na huwag palakihin ang isyu. Nananahimik na rin po ang sister ko. I know na may nasabi siyang hindi maganda before sa idol ninyo. Sana kayo na po ang umintindi.
"Mahirap din po ang situation ng isang artista. Kapag nalagay po kayo sa situation ng isang artista, hindi rin ho gano'n kadali."
source: pep
No comments:
Post a Comment