Thursday, November 4, 2010

Karen Davila transfer in TV5 Station?

TRUE kaya ang balitang lilipat na sa news department ng TV5 si Karen Davila? Ayon sa aming source ay maganda ang package na in-offer kay Karen para mapasama siya sa news team ng pinapalakas na TV5.


Nauna na raw kasing lumipat si Luchi Cruz-Valdez at may mga isasama raw siyang mga taga-ABS-CBN 2.


Bongga nga raw ang offer kay Karen dahil bukod sa dalawang shows sa news department ang ibibigay sa kanya, may sarili rin siyang opisina niya at staff. Maka kagawa raw siya ng mga decisions in regards sa improvement pa ng news department ng TV5.


Parang the same offer ito na binigay nila kay Paolo Bediones kaya nito kinagat na maging exclusive talent na ng Singko dahil may posisyon siya sa creative department ng naturang istasyon.


Kung matuloy man si Karen Davila sa TV5, parang nag-reunion lang sila ni Paolo ulit. Hindi nga ba’t magkasama silang dalawa noon sa GMA-7 show na Xtra-Xtra?


Nang mapirata si Karen, si Miriam Quiambao ang pinalit kay Karen at ilang beses na naiba ang format ng Xtra-Xtra hanggang sa maging Extra Challenge ito.


Wala pang confirmation itong balitang ito mula kay Karen mismo kaya abangan na lang natin kung ano ang magiging desisyon niya. Pero dagdag pa ng aming source na hindi raw malayong tanggapin ni Karen ang offer ng TV5 dahil nandoon na nga ang kanyang husband na si DJ Sta. Ana.


Sa news operations nga raw ng TV5 ang trabaho ni DJ at magsisimula na raw ito ngayong February. Dating sa GMA-7 si DJ at noong lumipat si Karen sa ABS-CBN 2 ay lumipat din ang kanyang mister. Kaya hindi nga imposibleng magsama ulit ang mag-asawa sa iisang istasyon.

1 comment:

Anonymous said...

Why not! She is an excellent anchorwoman. She could be an asset of TV5.