Monday, October 25, 2010

PAULEEN LUNA KISSING RUMOR WITH KC MONTERO

Nagsalita na ang young actress na si Pauleen Luna tungkol sa pagkaka-link ng kanyang ex-boyfriend na si Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian kay Councilor Shalani Soledad ng parehong lungsod, at iba pang isyung kinasasangkutan niya.

Nagbigay ng mga pahayag si Pauleen sa panayam sa kanya ni Cristy Fermin sa TV5 talk show na Paparazzi na ipinalabas kahapon, October 24.

Nabalita kasing madalas na makitang magkasama sa ilang events sina Mayor Sherwin at Shalani. Ano ang reaksiyon dito ni Pauleen?

"Actually, I really, really like Councilor Shalani. I find her modest, down to earth, and very pretty. When I heard about it, sabi ko, 'Oh, good catch!'

"But then, I talked to Mayor. Sabi ko, 'Ikaw, a, Councilor Shalani, a!' Pero he told me, it's not true," paglilinaw ni Pauleen.

Maganda ang takbo ng samahan ngayon nina Pauleen at Mayor Sherwin dahil nakakapag-usap na raw sila ngayon.

"We're just talking again...a lot. Kunwari may narinig lang siyang tsismis about me, nagtatanong lang siya," sabi ng Eat Bulaga! mainstay.

KISSING RUMOR WITH KC MONTERO. Hindi nabanggit ni Pauleen kung isa sa mga pagtatanong ni Mayor Sherwin sa kanya ay ang tsismis tungkol sa pakikipaghalikan diumano niya sa radio and TV host na si KC Montero sa isang private occasion.

Pero ayon kay Pauleen, "Lumabas nga raw sa isang column na nakita nga raw kami na naghahalikan sa isang... Tinawagan nga ako ni Nay Lolit [Solis, Pauleen's manager niya], 'Anak, totoo ba na nag-kiss kayo ni KC Montero?' 'Ha?! Si KC?''

"Kasi, we're good friends. Sabi raw somebody saw us kissing at a pool. 'What? Where did it come from?' Kasi nga we're friends."

AMPALAYA ANONYMOUS. Kahit sinasabi na ni Pauleen na ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol sa Ampalaya Anonymous, inungkat pa sa kanya ni Cristy ang naging alitan niya sa mga miyembro nito na kinabibilangan nina Angel Locsin, Maxene Magalona, Cristine Reyes, Bubbles Paraiso, at Bianca King.

"It all started on Twitter actually, that very controversial Twitter," sabi ni Pauleen.

"You'll know naman kung pinaparinggan ka ng isang tao. I'm not stupid, I'm not deaf. Silence doesn't mean you're stupid. It's just means I don't wanna stoop down to that level."

Ayon kay Pauleen, nagharap at nagkausap naman sila ni Maxene nang ipatawag sila ng GMA-7 management para magkapaliwanagan bago nagsimula ang pinagsamahan nilang afternoon soap na Trudis Liit. Naayos naman daw ang isyu sa kanilang dalawa ng young actress.

Present din daw sa paghaharap na 'yon ang ina ni Maxene na si Pia Arroyo-Magalona at ang manager ni Pauleen na si Lolit Solis.

Naikuwento raw ni Lolit kay Cristy ang itinakbo ng meeting na iyon. Ayon kay Lolit, nagulat daw siya dahil sa buong buhay niya sa showbiz na nakasalubong niya at nangawala na, noon lang daw siya nakakita ng gano'ng bata. Na ang tinutukoy niya ay si Maxene.

Tinanong ni Cristy si Pauleen na sasagutin lang nito ng "oo" o "hindi."

Umamin si Maxene na sinaktan ka niya?

"Opo," mabilis na sagot ni Pauleen.

Umamin siya na kaya ka niya inaway ay dahil kumampi siya kay Cristine?

"Opo."

Nilinaw naman ni Pauleen na nagkaayos na sila ni Maxene.

"Kami ni Maxene are okay now. After that meeting, na-settle na namin ang dapat i-settle and everything is fine," saad niya.

Matagal nang sinasabing ang pakikipagrelasyon noon ni Pauleen kay Dennis Trillo ang rason kung bakit nagalit sa kanya si Cristine. Dating magkasintahan sina Dennis at Cristine.

Sinasabi ni Pauleen sa interviews niya na ang relasyon nila ni Dennis ay walang kakuwenta-kuwenta dahil tumagal lang ito ng maikling panahon.

Pero ang pakikipagrelasyon ba niya kay Dennis ang rason ng galit ni Cristine sa kanya?

"I believe that that was the reason why she got mad at me," pagtatapat ni Pauleen. "But I still do not get her point.

"Kasi ako, if ever na may maging girlfriend si Dennis after me, I don't have any right to get mad at that person or to get mad at him. Because it's over. The fact na tinapos na ninyong dalawa, wala na po kayong karapatan sa isa't isa."

Hindi nagbigay ng anumang pahayag si Pauleen tungkol kay Cristine. Halatang hindi pa naaalis sa sistema ng una ang isyu sa kanila ng huli.

Nang matanong naman si Pauleen tungkol kay Angel Locsin, mayroon itong nasabi sa aktres.

"Hindi naman po kasi kami masydong nagkikita. And yung last na usap namin ay tungkol sa issue. I was trying to explain my side. Kasi she asked me about it," banggit niya.

Natanong din si Pauleen kung kumusta sila ng isa pang member ng Ampalaya Anonymous na si Bubbles Paraiso.

"I see her around. You know, we're civil," mabilis niyang sabi.

Nang si Bianca King naman ang natanong kay Pauleen, ito lang ang nakangiting sinabi ng huli: "Nagbigay po siya ng statement na we're not close. I agree."

Wala na bang kahit konting angst or anything sa mga miyembro ng Ampalaya Anonymous?

"Forgiven but not forgotten," makahulugang sagot ni Pauleen.

KIMERALD FANS. Inungkat din ng Paparazzi ang isyu noon tungkol sa pang-aaway diumano sa kanya ng fans nina Gerald Anderson at Kim Chiu, ang Kimerald, dahil sa pagkaka-link ni Pauleen sa sikat na matinee idol.

Nabalita ang pagdalaw-dalaw ni Gerald kay Pauleen at ang pagdadala nito ng pagkain sa Eat Bulaga!. Itinanggi ito noong una ni Gerald nang mausisa ito ng press sa kasagsagan ng isyu.

"Hindi ko alam," sambit ni Pauleen sa rason kung bakit itinanggi ito ni Gerald noong una.

Pero ayon kay Pauleen, tatlo hanggang apat na beses daw bumisita si Gerald sa Eat Bulaga!.

"Actually, ang nakakatawa doon, nagulat ako dahil may guts siyang mag-deny dahil hindi lang siya nagbibigay sa akin ng pasalubong. Even to Ruby [Rodriguez], to the kids of Ruby, nagbibigay siya.

"I guess mahal siguro niya ang trabaho niya kaya he's willing to risk... How many people saw him, 30 people? Hayaan na lang siguro na yung 30 people ang tingin sa kanya sinungaling, but the rest of the world..."

Hindi na raw nag-abala pang tawagan o i-text si Gerald ni Pauleen matapos ang pagdi-deny ng aktor.

"In-ignore ko na lang. Inintindi ko po na he's one hot celebrity right now. Mas mahal talaga niya yung career more than anthing else," sabi niya.

No comments: