Monday, August 2, 2010

Kris Aquino to James Yap: "Magpakatotoo na tayong dalawa. Ang tagal-tagal na nating hindi maligaya sa piling ng isa't isa."



Sa pagbabalik ni Kris Aquino sa Pilipinas noong Biyernes, July 30, mula sa tatlong linggong pagbabakasyon sa U.S. kasama ang mga anak na sina Joshua at Baby James ay inabangan ng marami ang gagawin niyang pagsasalita tungkol sa iba't ibang intrigang naiwan niyang walang paliwanag, lalung-lalo na ang tungkol sa pakikipaghiwalay niya sa asawang si James Yap.

Tinutukan ng marami ang unang bahagi ng exclusive interview ni Boy Abunda kay Kris na ipinalabas sa SNN (Showbiz News Ngayon) noong Biyernes ng gabi. Dito ay sinagot ni Kris ang mga isyu tungkol sa kanyang umano'y pagbubuntis at ang pagkaka-link niya kina Coco Martin, Gerald Anderson, Gabby Concepcion, Robin Padilla, Senator Chiz Escudero, at Makati Mayor Junjun Binay. (Click HERE and HERE to read related stories.)

Pero ang pinakamatinding pasabog ni Kris tungkol sa estado ng relasyon nila ni James ay isiniwalat niya sa pangalawang bahagi ng interview ni Boy sa The Buzz kahapon, August 1. Dito ay inihayag na ni Kris ang kanyang saloobin tungkol sa desisyon niyang makipaghiwalay na sa basketbolista.

MARRIAGE WITH JAMES WAS NULL AND VOID. Nagsimula ang interview sa paliwanag ni Kris tungkol sa isyung null and void ang kasal niya kay James.

BOY: Based on the interview, I think with the lawyers na may na-mention na maaaring mayroong posibilidad na you're marriage was null and void to begin with. Ano ang iyong take?

KRIS: Probably because the premise kung paano siya nagsimula na hindi ko inamin sa pamilya ko right away, part of destiny 'yan. Kasi siguro kung kumpiyansa ako na it will really be okay and all, hindi na tayo nagtago sa bahay mo. [laughs] Siguro regalo na 'yan ng tadhana sa aming dalawa. I don't know, Boy, I have to sit down with the lawyers. I have to see the papers. It has to go through the process in court. But kung totoo 'yan at mayroon kaming mga requirements na hindi na-fullfill, at yung technicality nandoon at maru-rule nga ng korte na null and void to begin with, then maybe it's really a lesson for me. That no matter how I tried to avoid it and no matter how much my family tried to accept James, if ever Boy in the future—and I'm saying malayong future ito, ha—sisiguraduhin kong I'll do it correctly this time. Wala nang mga patagu-tago pa.

"HUWAG MO NANG IDAMAY ANG MOM." Napasok din sa usapan nina Boy at Kris at tungkol sa deklarasyon ni James sa mga maiikling interview sa kanya kaugnay sa kagustuhan nitong buuin pa ang kanilang pamilya dahil ito raw ang ipinangako niya sa mommy ni Kris na si yumaong dating Pangulong Cory Aquino.

BOY: Two things Krissy, bago ka umalis, siyempre patuloy nang pinag-uusapan ang hiwalayan. Even before you left, he [James] made a declaration. Naaalala ko ito na, 'Ipaglalaban ko ang pagbuo ng aking pamilya. Napakahirap na desisyon ito, napakahirap ng aming kinalalagyan dahil nangako ako sa mommy, sa former President Cory, na gagawin ko ang lahat para mabuo ang aking pamilya...' At ito po ang tanong ng sambayanan na ikaw lamang ang makakasagot: Bakit kayo naghiwalay, or better yet, bakit ka nagdesisyong humiwalay sa iyong asawa na si James Yap?

KRIS: First of all, I would like to make a request kay James. Mom was so good to you. 'Wag mo nang idamay ang mom. Nakikiusap ako kasi nananahimik na ang Mom sa langit. And if you also love Mom, don't bring her into this. Pangalawa, I tried my best to not give the reasons and you know that, Boy. Kasi nakikiusap ang mga kapatid ko, 'Krissy, no washing of dirty linen in public.' At tinutupad ko yun. But I also told my sisters na ang hirap naman na magmukha akong wicked witch, na merong lalakeng sabi nang sabing gusto niyang makabuo ng pamilya, tapos 'eto ako, nagmamatigas na ayaw ko na. So, sinabi ko sa mga kapatid ko na, 'Okay lang ba kung sabihin ko na three and a half years ko namang sinubukan?' Alam naman ng lahat, Boy, kung ano yung mga binato sa amin along the way. Alam din ni James kung ano yung mga kasalanan niya, in the same way na alam ko yung mga naging kasalanan ko. Pero siguro I gave it my best. And I have no bitterness in my heart. Walang halong kaplastikan 'yan, hindi ko sinasabi 'yan para maging mabango ang tingin ng tao sa akin.

CO-EXISTING IN ONE HOUSE BUT HAVING NO COMMUNICATION. Sa pagpapatuloy ni Kris ay naglabas siya ng lyrics ng kantang "It Must Have Been Love," originally sung by Roxette at ni-revive ni KC Concepcion. Ang chorus ng naturang kanta ang nagpapahayag daw ng tunay niyang nararamdaman.

KRIS: Pero ang sasabihin ko kasi, may notes ako...okay lang? Kasi ayokong maging emotional. Pasensiya na ha, alam mo na I deal with feelings through songs and it just so happen sa album ni KC, yung a.k.a. Cassandra, she had a beautiful version, for me the best. I have seven different versions of this song on my iPad, hers is the clearest. The song was "It Must Have Been Love." So, 'eto na, yung lyrics nito sums up exactly what I feel.

It must have been love but it's over now,

It must have been good but I lost it somehow,

It must have been love but it's over now,

From the moment we touch till time had run out...

Naubos... naubos yung kagustuhan ko to make it work. I was miserable. And I'm sure, 'eto, I'll address this to James, 'wag kang mahiyang aminin na pati ikaw miserable. Alam ko siguro maraming nag-advice sa kanya kung ano yung mga dapat niyang sabihin and I respect that, kasi alam ko, 'eto yung trabaho ko kaya I know how to deal with it. Pero magpakatotoo na tayong dalawa. Ang tagal-tagal na nating hindi maligaya sa piling ng isa't isa. Ang tagal na nating co-existing in one house but having no communication. Matagal na kung nag-uusap man tayo, nagsisigawan lang tayo... At sana aminin mo rin naman sa mga tao na bago ako umalis, kaya nga hindi ako humarap sa kahit sinong camera, pinagbigyan ko siya, Boy, dalawang oras kaming nag-usap sa bahay. For me that's my closure.

A DYING LOVE. Sumunod ay ang pagsisiwalat ni Kris na tuluyan nang nawala ang pagmamahal niya kay James.

BOY: Sandali lamang, before you left for this vacation?

KRIS: Yes, he was there, because he wanted to say goodbye to Bimby [Baby James] and then he said, 'Puwede ba tayong mag-usap?' Harapan, yes. At alam niya.

BOY: At ang inyong pinag-usapan?

KRIS: Sa amin nang dalawa yun. Ang pinakamahalaga, alam niya at alam ko why this marriage ended. Alam din niya kung saan siya nagkulang dahil may mga tinext siya sa akin while I was abroad, saying na he realizes where he went wrong. But I said it's really too late. And then, it ended because napagod na ako pretending that everything was okay. Mahirap pong gawin yun talaga in the midst of a campaign where my marital status could have been used against my brother. Mahirap yun kasi yung mga kapatid ko were really trying to help us save it. At mahirap dahil three years old lang ang anak ko. But the truth is, and James knows this also, we stopped loving each other a long time ago. I'm honest enough to admit it, I wish he could be honest enough to also admit it. Masyado kaming maraming mga pagkakaiba sa personalidad na umabot na sa point na James wants to be James, I want to be Kris. So, yun lang.

BOY: Krissy, sana tanggapin ninyong dalawa na sabi mo nga na matagal nang you stopped loving each other. How long ago was this?

KRIS: Ako? [long pause] I acknowledge na naubos talaga yung love April 26 of this year. May nasabi siya sa anak ko which I will forever keep between the two of us. May nasabi siya sa galit namin sa isa't isa siguro nung panahon na yun, na nasaktan talaga ako. At yun ang nagpatunay sa akin na this is not the man to be and this is not the man I want to stay with because dinadamay na niya ang three years old na bata na dapat protektahan naming dalawa.

BOY: That was the moment na sinabi mong 'it's over...'

KRIS: Di ba, may kasabihan tayong the straw that broke the camel's back. For me, that was it. The love was dying for a very long time but siyempre, Boy, you'll try. Subukan mo talaga. Dyusko naman, yung babae pinatawad ko pero, 'eto talaga hindi ko kinaya!

UNRESOLVED ISSUE WITH HOPE CENTENO. Dahil sa sinabing babae ni Kris, naitanong tuloy ni Boy ang tungkol kay Hope Centeno, ang dating empleyada ng Belo Clinic at babaeng naugnay kay James noon.

BOY: Mapangahas na tanong, three and a half years ago, nangyari yung eskandalong may kinalaman si Hope. Na-resolve ba yun?

KRIS: Never. Never. Of course to all of you I said yes, siyempre, di ba, Boy? Kahihiyan ko yun. Parang ipinamukha sa akin na you're not good enough dahil kailangan kong maghanap sa iba. So, in my mind and to present to everybody, gagawin ko na, pipilitin ko na wala na yun, napatawad ko na...nakalimutan ko na, pinaniniwalaan ko siya. But the truth is, any woman who's in a relationship—whether boyfriend, girlfriend, whether kinasal kayo—once may infidelity, ang hirap lagpasan nun. And alam mo, Boy, it goes both ways, e. Kasi magtatrabaho ako, magkaka-leading man, ibabato sa akin na, 'O, 'yan, makikipaghalikan ka diyan para mabawian ako.' Alam mo yung ganun? Yung parang he's expecting the other shoe to drop. Hindi ko inaangat yung sarili ko sa isang bangko, but you know me... I'm crazy loyal... Yun talaga ako pag meron na at may commitment ako, single-minded ako. So, I can honestly say na in the five years na nagsama kami, hindi ako nagloko. I don't think he could say the same thing.

BOY: I will say that, I will ask that. Diretsahan. Sa limang taon na kayo'y nagsama bilang mag-asawa, naging loyal ka sa asawa mo?

KRIS: Of course!

BOY: Sa limang taon na nagsama kayo ni James, naging loyal ba si James sa 'yo?

KRIS: Obvious ba? Hindi!

IS JAMES DATING A NEW GIRL? Dito na pumasok ang mga katanungan kung may ibang babae na ba si James at kung may nabuntis ba itong iba.

BOY: Umalis ka papuntang Amerika para sa bakasyon. Tumahimik ka, maraming tao ang na-surprise. Pero dumami ang mga speculations na naghiwalay daw si Kris at saka si James diumano dahil may nabuntis si James. Ito ba ay totoo o hindi?

KRIS: Siyempre, Boy, I'd be the last to know! [laughs] Kung meron man o kung meron man siyang dine-date ngayon, do you honestly think ite-text niya, 'Uy, Kris ka-date ko kagabi si ganito ah...' Di ba? Malay ko, and okay lang.

BOY: Nabigla ako dun.

KRIS: Why? My Ate [Ballsy] mentioned na napapabalitang he's dating somebody already and then I think my Ate was testing the waters with me, and I said, 'Good.' And I said, 'Good.' Yun talaga, yun ang opinion ko. Kasi we don't live under one roof anymore, right? So it's his right, and it would make much easier for the entire country to move on.

BOY: Krissy, how do you react when people say na, 'Sana'y bigyan pa nila ng pagkakataon ang kanilang mga sarili alang-alang sa bata,' or 'I hope they can still fix things together as a couple' because that's the common reaction?

KRIS: Kung masama akong ina at alam kong hindi ko ipa-prioritize si Baby James, then maybe I would try. But I know in my heart, say what you wanna say about me, pero mabuti akong ina, Boy. I think if you look at my children, you'll know. They're happy, they're well adjusted, they're cared for. That's what matters to me.

SUPPORTIVE SIBLINGS. Hindi rin nakalimutang itanong ni Boy kay Kris ang tungkol sa suportang ibinibigay ng mga kapatid nitong sina Ballsy, Pinky, Viel, at si President Noynoy (P-Noy).

BOY: Sa usaping ito, sa usapin ng iyong pamilya, sa usapin ng iyong marriage, nasaan ang iyong mga kapatid?

KRIS: Feeling yata nila 16 years old ako ulit! Yung mga sisters ko sinabi, si Pinky she's the most vocal, so she told me, 'Krissy, Ate is just too mabait and she'll sugar coat everything, so I have to be the bad guy. Kris, kung kaya in the next six years, huwag ka munang mag-boyfriend.' [laughs] Sabi ko, 'Ah, okay.' And then sinabi ni Pinky, 'Fame enough, di ba? Ang hirap na makahanap ng magiging totoo sa iyo.' What more kapatid ko pa si P-Noy? And then sinabi niya na, 'Bigyan mo naman si Noy ng chance to succeed without stress from you.'

BOY: And you said?

KRIS: [laughs] Sabi ko, 'I'll try.'

BOY: I think what people want to know is suportado ka ba ng iyong pamilya? Naiintindihan ka ba ng iyong pamilya?

KRIS: They've seen the journey, yes, nakita nila. And one thing about me is I'm so vocal so they know. And my sisters acknowledge the fact na nabilib na sila kung paano ko nadala, at the peak of the campaign, na ganun kabigat ang inuuwian ko. Nadala ko yun nang walang nakahalata. Kundi naman nangyari yung Cebu, Boy, lahat kayo until now walang alam. Kasi nga, nagawa ko na itahimik. Because I did it for them and they know it.

PROTECTIVE BROTHER. Inalala rin ni Boy kung ano ang reaksiyon ni President Noynoy sa kinakaharap na sitwasyon ng nakababatang kapatid na si Kris.

BOY: Naalala ng sambayanan in one interview of James, maikli ang kanyang deklarasyon, ang sinabi niya ay nung kayo ay nagkaroon ng diperensya, he went to your brother, to the President. At ang sabi ni President, 'stay put.' What was that about?

KRIS: I was not there, e. But I've said everything to P-Noy. Lahat. And at the end of the day, Boy, the most protective over me and over my kids will always be my brother. Because that's the promise he made our Mom. So, kung nakikita ni Noy and narinig na ni Noy diretso galing sa akin, lahat ng pinagdadaanan at sumuko ako... Although, talagang siya sinasabi niya, noon, sinasabi niya na, 'Set aside your own interests kasi kawawa yung mga bata.' Pero nung naintindihan na niya ako, siyempre hindi naman sila matutuwa, sino ba namang matutuwa na 'eto na naman si Kris na hiwalay na naman? Pero tanggap na nila, Boy. I feel that. I feel that they know what's my life and Noy said, 'As much as it's your life, we're only here to guide you, to help you. But at the end of the day, sana Kristina, lessons learned.' Yun lang ang sinabi niya sa akin.

BOY: Okay, para lang madaanan ko ang tanong na ito, Pinky, Ate, Viel, lalo na yung dalawa. In the beginning, did they understand what you're coming from at nasaan sila ngayon?

KRIS: They've always understood. Ang fear lang nila is public opinion. Why? Because public opinion of me would determine how comfortable my sons will be. It's a fact, I don't work in a bank, I don't work in a private industry. Kung anong tingin nila sa akin will be equated sa kikitain ko. At ako ang magpapalaki sa dalawa, responsibilidad ko yun, lalo na si Josh. I think more than anything, si Josh ang inaalala nila. Na kung hindi magustuhan ng mga tao ang desisyon ko, or hindi na ako panoorin at hindi tangkilikin ang mga ine-endorse ko, what happens to us? And they were afraid for the children. But I think they know I behaved, Boy. I think nakita nila I've been prudent and to the best of my ability, naging tahimik ako. Kung sasabihin ng lahat na, 'Naku, umuwi 'yan para magpasabog.' Hindi po. Nagsasalita lang ako dahil 'andami n'yong iniimbento tungkol sa akin. So, it's about time to hear it straight from me.

ON BEING A DOMINEERING WIFE. Ipinaliwanag naman ni Kris ang isyu tungkol sa mas dominante raw siya at siya raw ang mas nasusunod sa kanilang dalawa ni James sa bahay.

BOY: And you know what people would say kasi, 'Kris is a domineering wife, Kris is the intelligent wife, Kris is the stronger character.' When you hear this things Krissy...

KRIS: It's true. Alam mo, Boy, that's the good thing about my family. Lalo na si Pinky at si Viel, they'll say it like it is, didiretsahin nila ako. So, ang sinabi nila sa akin is that, 'Everything that has made you a success sa career mo, that single-mindedness, the leadership skills, the yung decision-making, parang ano talaga.. firm. Those are the things that will make it impossible to have a successful marriage.' Why? Dahil ang Pilipinas is still male-dominated. Dahil sa country natin talaga, hindi pa rin equal pag kasal kayo. And tama sila. Siyempre I was in love, hindi ko na-realize yun. I didn't take into consideration our age gap [11 years; Kris is 39, James is 28], I didn't take into consideration the difference in upbringing, education, likes and dislikes, because I was in love. So, now na pinagdaanan na naming lahat yun, get ko na.

BOY: But it's to say that you didn't adjust...

KRIS: I tried... But then, naintindihan ko na rin ngayon. Kasi before, I used to question na bakit kinailangang mambabae? Ngayon, nare-realize ko kasi nga, minsan kailangan mo maramdaman na ikaw ang hari and I understand and I moved on.

BOY: Did you give him time?

KRIS: Tagal, ah. Matagal, ah. Matagal kami ah... In all fairness, he also tried. Oo, I'll grant that to him. But I guess, Boy, alam mo yung parang ano, I think I came at that time when I did some good in his life. I think I helped give him direction and focus and he came at that time when I needed stability. And he gave me Baby James. So, kung anuman, bali-baligtarin natin, balikan natin, kung isusuma tutal natin lahat ng iniyak ko, lahat ng iniyak niya, lahat ng pinag-awayan namin, ang suma tutal niyan is nagkaroon kami ng Bimby. At burado na lahat ng sama ng loob dahil kay Bimby.

Sa kabila ng mga pahayag na ito ni Kris, tila may ilang katanungan pa rin na bitin ang sagot dahil mas pinili nga niyang huwag munang isiwalat ito sa publiko. Tulad ng totoong dahilan kung bakit null and void ang kasal nila ni James? Ano ang sinabi ni James kay Baby James na ikinagalit ni Kris at ikinapuno niya kaya siya nagdesisyong makipaghiwalay?

Kaya siguradong tuluy-tuloy pa rin itong pag-uusapan hangga't hindi naririnig ng mga tao ang kabuuan ng istorya.

No comments: